Donita Rose, Felson Palad, naging sandigan ang kanilang faith para sa isang successful na relasyon

Aminado ang mag-asawang sina Donita Rose at Felson Palad na naging sandigan nila ang kanilang pananampalataya sa Diyos para maging matagumpay ang kanilang relasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 11, ibinahagi ni Donita ang nadiskubre niya tungkol sa kasal nila ng dating asawa na si Eric Villarama.
Aniya, “When you're in a marriage, you're given a God-given responsibility and roles, and we were not playing the right roles anymore. So na-burn out kami sa isa't-isa.”
Binalikan din ni Boy ang sinabi umano ni Felson sa isang panayam na “Hindi lang tayo, hindi lang kami sa marriage, tatlo kami.”
Paliwanag ni Felson, “Well, it's me, her, and of course, God. It's the Holy Spirit.”
Alamin kung papaano naging sandigan nina Donita at Felson ang Panginoon sa kanilang kasal sa gallery na ito:









