'Paano 'to pagkakasyahin, ma'am?' Celebs flip out over DTI's P500 Noche Buena suggestion

Ilang tulog na lang ay pasko na kaya naman ang mga Pinoy, pinag-iisipan na ang mga ihahanda nila sa nalalapit na holidays. Ngunit ang Department of Trade and Industries, may suhestyon. Sabi ng secretary ng ahensya nito na si Cristina Roque, sapat na ang PhP500 para panghanda.
Naging viral din kamakailan ang sinabi ng beteranang aktres at dating beauty queen na si Gloria Diaz na sumang-ayon kay Roque na sasapat ang PhP500 para panghanda sa pasko.
Sabi ni Gloria sa press conference ng Metro Manila Film Fest 2025 entry nila na ReKonek, “Of course, puwede. And by the Way, Sec. Cris is a good friend of mine. She showed me.. You can make corned beef. You can make fruit salad, You can have pineapple juice na dinagdagan ng yelo. And then you can make pansit.”
Tila hindi naman sang-ayon dito ang co-star niyang si Zoren Legaspi dahil para sa kaniya, ang Noche Buena o Pasko ay hindi araw kung kailan dapat nagtitipid.
“We have to consider that event na once a year lang nangyayari,” sabi ni Zoren.
Hindi rin sang ayon dito ang ilang celebrities, at sinabing hindi sapat ang PhP500 para ipanghanda sa nalalapit na kapaskuhan. Sa post ni Kapuso Actor Benjamin Alves, sinabi niyang maaaring price guide lang ito ng DTI, ngunit nagdagdag lang ito sa galit ng mga Pilipino.
Saad pa ng aktor, “Kahit siguro ChatGPT di kakayanin i-render yung PhP500 Noche Buena na yan, madame.”
Hindi lang si Benjamin ang nagreklamo sa proposal ng naturang ahensya na sapat na panggastos para sa Noche Buena. Tingnan sa gallery na ito kung sino pang celebrities ang nag-react sa naturang ideya:











