Muling pinakilig nina Dustin Yu at Bianca De Vera ang kanilang fans sa kanilang sweet moments sa Vietnam.
Sa Instagram, ipinakita nina Dustin at Bianca ang ilan nilang larawan sa Ngam Cafe sa District 3, Ho Chi Minh City.
Magkasamang in-explore nina Bianca De Vera at Dustin Yu ang Ho Chi Minh City sa Vietnam.
Binisita nina Bianca De Vera at Dustin Yu ang Ngam Cafe, na matatagpuan sa District 3, Ho Chi Minh City.
"365 since i met u," caption ni Dustin sa kanyang post.
Sa comments section ng post na ito ni Dustin, maraming fans ang nagpaabot ng kanilang kilig para sa kanilang dalawa ni Bianca De Vera.
Ibinahagi rin ni Bianca De Vera sa kanyang Instagram account ang ilan nilang larawan ni Dustin Yu sa Ngam Cafe.
"Pages & pauses," caption naman ni Bianca De Vera sa kanyang Instagram post.
Nag-iwan naman ng komento si Dustin Yu sa post na ito ni Bianca De Vera. Sulat niya, "Nice meeting you :)"
Maging ang kanilang dating PBB housemates na sina AZ Martinez, Ralph De Leon, at Esnyr ay todo ang suporta kina Dustin Yu at Bianca De Vera. Komento ni AZ, "goals." Sulat ni Esnyr, "yasss my jellyfish top twin." Sabi naman ni Ralph, "grabeng photoshoot location."