advertisement
TV

Dustin Yu, Bianca de Vera, binalikan ang first impression sa isa't isa

1 of 10

DustBia

Maituturing na isa sa mga pinakamainit na love team ngayon ang tambalan nina Dustin Yu at Bianca de Vera. Ngunit ayon sa dalawa, hindi naman ganoon ang naging simula nila.

2 of 10

Friend-friend lang

Pagbabahagi ni Bianca de Vera, noong una ay kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Dustin.

3 of 10

Super platonic

Sabi pa ni Bianca de Vera, "Kasi ganu'n naman talaga siya noong una, Tito Boy. Parang super platonic lang talaga and parang super cool lang with the both of us."

advertisement
4 of 10

Matured

Nagkaroon umano ng pagbabago sa tingin ni Bianca de Vera kay Dustin Yu noong nag-lead ang aktor sa isang task sa loob ng Bahay ni Kuya. Sabi ng aktres, nakita niya ang maturity ng aktor sa task. "I honestly thought he was older than me, like 28 or 30, kasi sobrang mature niya. Ta's kinuwento niya sa 'kin 'yung buhay niya. Sabi ko, 'Grabe, ang galing.' Sobrang bilib ako sa kaniya."

5 of 10

Ibang tao

Kung si Bianca de Vera, kaibigan lang ang tingin kay Dustin Yu noong una, malayo naman dito ang first impression ng aktor. Pagbabahagi niya, "Impression ko sa kaniya, honestly, lagi kong sinasabi sa sarili ko at saka sa mga kaibigan ko sa loob ng Bahay ni Kuya na 'Ibang tao si Bianca, no? Parang bagong-bago siya sa 'kin.' 'Yung personality niya."

6 of 10

Attraction

Pag-amin ni Dustin Yu, na-attract kaagad siya kay Bianca de Vera dahil sa personalidad nito.

advertisement
7 of 10

Masarap kausap

Sabi pa ni Dustin Yu, "Nakakatawa kasi siya nu'ng una. So sabi ko, parang 'Hindi ako mabo-bore dito, a. Parang masarap siyang kausap palagi, a?'"

8 of 10

Boyfriend?

Nilinaw naman ni Bianca de Vera na hindi pa niya boyfriend si Dustin Yu. Pagbabahagi ng aktres, sadyang nakakuha lang siya ng comfort sa aktor, dahilan para magbago ang pagtingin niya rito.

9 of 10

Nag-iintay ng sagot

Sabi ni Dustin Yu, faithful siya kay Bianca de Vera at sinabing walang balak manligaw ng iba. Sa katunayan, naghihintay na lang siya ng sagot mula sa aktres.

advertisement
10 of 10

Hindi nagmamadali

Paliwanag naman ni Bianca de Vera sa hindi pa niya pagbibigay ng matamis na oo kay Dustin Yu, "I think hindi rin naman kami nagmamadali. I mean, we have so much time together. I mean, Dustin is a great guy. I think he is the most consistent man I've ever met in my whole life, well, of course, besides my dad, and grabe rin kasi manindigan si Dustin, which I admire very, very much. We're not running out of time, naman."

Around GMA