Dustin Yu gets warm welcome from Sparkle after PBB exit
Isang sweet surprise ang inihandog ng Sparkle GMA Artist Center at fans para sa ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Dustin Yu.
Sa muling pagbisita ni Dustin sa GMA Network, hindi niya inaasahan ang heartwarming na pagsalubong sa kanya ng Sparkle at mga taong sumubaybay at sumuporta sa kanyang journey sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Silipin ang mga naging kaganapan sa homecoming event para sa Chinito Boss-Sikap ng Quezon City sa gallery na ito.
Atty. Annette Gozon-Valdes
Bago pumasok sa Bahay Ni Kuya at hanggang ngayon sa outside world, all-out ang love at support ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes para kay Dustin Yu.
GMA Executives
Ang homecoming event para kay Dustin Yu ay pinangunahan nina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle's First Vice President Joy Marcelo, at Senior Talent Manager Tracy Garcia.
Jay Ortega
Isang supportive friend ang 'Pulang Araw' actor na si Jay Ortega sa kanyang fellow Sparkle star na si Dustin Yu.
GMA
Present din sa homecoming event para kay Dustin Yu ang Sparkle Team at iba pang GMA employees.
Surprise
Sa pagdating ni Dustin Yu sa office ng Sparkle, kapansin-pansin na mixed emotions siya nang muling makaharap ang kanyang mga katrabaho sa mundo ng showbiz, na naghanda ng surprise para sa kanya.






