Hindi napigilang maging emosyonal ni EA Guzman habang nakikipagkuwentuhan sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, February 19, kung saan kasama niya ang fiancee na si Shaira Diaz.
Ayon kay EA, hindi siya makapaniwala na kasama na niya si Shaira sa harap ni Boy Abunda dahil ilang beses na rin siyang ini-interview ng King of Talk pero hindi niya masabi ang totoo tungkol sa kanilang relasyon. Pero ngayon, masaya siya na personal na maiharap si Shaira sa batikang host at masabi na ipinagmamalaki niya ang fiancee.
Sa interview kay Boy Abunda, kapwa binalikan nina EA Guzman at Shaira Diaz ang nangyaring marriage proposal nila noong December 2021. Tingnan sa gallery na ito:
Binalikan ng celebrity couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz ang kanilang engagement noong December 25, 2021. Kuwento ni EA, ito ang taon kung saan nakabili siya ng bahay at sinorpresa niya ang ina at si Shaira. Aniya, "Ang plano ko talaga i-surprise ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko."
Ayon kay EA Guzman, matapos niyang sorpresahin ang ina ng bagong bahay ay sunod naman siyang nag-propose kay Shaira Diaz sa gilid lamang ng bagong bahay.
Traditional ang naging proposal ni EA Guzman kay Shaira Diaz. Kuwento ng aktres, hindi niya inaasahan ang proposal ni EA noong panahong iyon pero aniya, may hinala na siya dahil nag-chat sa kanya ang mga magulang na magiging masaya siya sa Pasko.
Kuwento naman ni EA Guzman nang mag-propose siya kay Shaira Diaz, naroroon ang mga mahal nila sa buhay. Biro pa ni Shaira na nag-speech ang aktor nang mahaba habang nagpo-propose sa kanya. Matapos nito ay kinuha na ni EA ang singsing sa bulsa niya, lumuhod, at tinanong na ang aktres ng "Will you marry me?"
Ayon kay EA Guzman, hindi siya sigurado noon kung mag-oo sa proposal niya si Shaira Diaz dahil noong panahong iyon ay hindi pa "totally ready" ang aktres. Pero, anang aktor, naniwala siya sa pag-ibig sa kanya ni Shaira.
Ipinaliwanag ni Shaira Diaz kay Boy Abunda na sinecure at in-assure ni EA sa kanya na "willing to wait" siya kahit gaano pa ito katagal.
Binigyang kahulugan ni EA ang salitang secure kay Shaira Diaz. Sabi ng aktor, "Nandito lang ako kung kailan ka ready. Willing to wait, willing to sacrifice. Kasi 'yung mga kaibigan ko, hindi ako nape-pressure pero siyempre kasi nandyan 'yung mga best friends ko na may family na.Siyempre ako gusto ko rin magkaroon ng sarili. Pero sabi ko naman sa kanya I'm willing to wait."
Noong February 17, nag-celebrate sina EA Guzman at Shaira Diaz ng ika-11 taon nilang relasyon. Isang araw bago ang kanilang anniversary, ipinaalam nila sa publiko na matagal na silang engaged.