EA Guzman, Jason Abalos Kyline Alcantara, at Kate Valdez dumalo sa Mango-Bamboo Festival

Dumalo at nakisaya ang Lilet Matias: Attorney at Law actors na sina EA Guzman at Jason Abalos sa Mango-Bamboo Festival sa San Carlos, Pangasinan. Kasama nila rito ang mga bibida sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Shining Inheritance na sina Kyline Alcantara, Kate Valdez, Roxie Smith, at Michael Sager.
Nagbigay-saya rin ang komedyanteng si Pepita Curtis bilang host ng event.
Ipinagdiriwang ang Mango-Bamboo Festival para palawigin ang bamboo furniture at items, gayundin ang carabao mangoes, na pangunahing produkto ng San Carlos. Layunin ng pistang ito ang mabigyan ng oportunidad ang mango farmers at bamboo furniture makers na ma-promote ang kanilang mga negosyo
Tingnan kung paano napasaya nina EA, Jason, Kyline, Kate, Roxie, Michael, at Pepita ang mga Kapuso sa Pangasinan sa gallery na ito:















