Eddie Gutierrez nagdiwang ng ika-82 kaarawan

Noong Martes, February 6, 2024, ang ika-82 taon na kapangakan ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez.
Ipinagdiwang ng dating matinee idol ang kanyang kaarawan sa members-only wine bar and restaurant na Cork Elite sa Taguig City noong Biyernes, February 9.
Kasama niya ang kanyang pamilya at mga taong malalapit sa kanya, kabilang na ang kanyang mga kaibigan sa entertainment industry at pulitika.
Narito ang ilang larawan mula sa 82nd birthday celebration ng legendary Filipino actor na binansagang Elvis Presley ng bansa.














