advertisement
Showbiz News

EJ Obiena, nasungkit muli ang gold medal sa Asian Athletics Championships

1 of 15

EJ Obiena

Sa kauna-unahang pagkakataon, sumalang sa “Fast Talk” interview kasama si Boy Abunda ang Pinoy athelete na si EJ Obiena.

2 of 15

Pinoy Pole Vaulter 

Si EJ Obiena ang isa mga mahuhusay at sikat na atletang Pinoy ngayon na nagbigay karangalan sa bansa matapos makilahok sa Olympics. Siya ay kinikilala bilang Asia's best and World No. 3 pole vaulter.

3 of 15

Fast Talk with EJ Obiena

Game na sinagot ni EJ Obiena ang maraming tanong sa kaniya ng King of Talk na si Boy Abunda.

advertisement
4 of 15

Pogi

Kuwento ni EJ Obiena kay Boy Abunda, madalas siyang nakakatanggap ng compliment ngayon mula sa mga tao, gaya ng pagtawag sa kaniya ng “pogi.”

5 of 15

Unusual

Ayon kay EJ Obiena, hindi siya sanay na matawag ng ganito dahil sa katunayan ay may mga nanlalait sa kaniya noon.

“Hindi ako nasanay. I don't even know how to feel. It's a bit odd.

6 of 15

Funny

Kuwento ni EJ Obiena, tampulan din siya ng panunukso noon. “May kaklase ako before, sabi niya, 'Yung parents mo, they don't look... hindi naman pangit, bakit ang pangit mo?' Like, it's weird for me to be honest po,” natatawang sinabi ni EJ.

advertisement
7 of 15

Sexy 

Hindi rin umano aware si EJ Obiena na marami na “sexy” ang tingin sa kaniya ng ibang mga tao.

8 of 15

Athlete

Paglalahad ni EJ Obiena, bata pa lamang ay nakahiligan niya na ang sports, hanggang sa maipakilala sa kaniya ang pole vaulting.

9 of 15

Pinoy Pride

Nakamit ni EJ Obiena ang ikaapat na puwesto sa Men's Pole Vault ng 2024 Paris Olympics, malaki ang itinalon niya mula sa 11th ranking noong 2020 Tokyo Olympics.

advertisement
10 of 15

Routine

Nagbahagi rin si EJ Obiena ng kaniyang “silip” routine sa pole vaulting, kung saan may sinisilip muna siya sa kaniyang pole bago tumalon. Aniya, “May ano po siya, parang pre-bend. Parang may baluktot siya, may soft side and stiff side. Hinahanap ko 'yun. Pag ganon, makikita kong sakto ang bend sa harap.”

11 of 15

Humility 

Maraming Pilipino ang natutuwa sa magandang attitude ni EJ Obiena sa kinalalabasan ng kaniyang bawat laban sa sports.

12 of 15

Perseverance

Kitang-kita ng mga tao ang pagpupursigi ni EJ Obiena upang maabot ang kaniyang pangarap na mas maging mahusay na pole vaulter.

advertisement
13 of 15

Family 

Hinangaan din ng marami ang pagmamahal ni EJ Obiena sa kaniyang pamilya na saksi sa bawat hirap at tagumpay.

14 of 15

Boyfriend ng bayan

Binansagan namang “boyfriend ng bayan” si EJ Obiena dahil sa kaniyang malakas na appeal sa masa.

15 of 15

Next game

Sa ngayon, pahinga muna si EJ Obiena para makapag-recharge sa kaniyang susunod na laban.

advertisement

Around GMA