Elias J TV, ipinakita ang ilang behind-the-scenes mula sa taping ng 'Sang'gre'

May pasilip ang reggae artist at sikat na social media personality na si Elias Gabonada Lintucan Jr., o mas kilala bilang Elias J TV, sa kanyang taping sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Pebrero nang magsimulang mag-taping si Elias para sa Sang'gre. Ito ang kauna-unahang niyang acting stint sa isang serye.
Ayon kay Elias, sobrang proud siya sa sarili dahil hindi niya inaasahan na makakapag-guest at makakapasok siya sa mundo ng Encantadia.
Proud din siya na dalhin ang kanyang lengguwahe mula sa Mindanao sa kanyang karakter sa Sang'gre na si Elias.
"Hindi ko inaasahan na mag-guesting ako rito. Kaya ngayon proud na proud po ako sa sarili ko at naimbitahan ako nila. Proud pa rin ako at dinadala ko rin 'yung lengguwahe namin galing ng Mindanao," sabi ni Elias sa interview ni Athena Imperial ng 24 Oras.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes na ipinakita ni Elias J TV mula sa taping niya sa Sang'gre sa gallery na ito:



