Fast Talk with Boy Abunda
Elias J TV, talks about fame and how he handles it

Sikat na sikat ngayon ang pinakabagong reggae sensation na si Elias J TV. Ngunit pag-amin ng singer-dancer sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, hanggang ngayon ay tinatanong pa rin ang sarili kung sikat na ba talaga siya.
“Paminsan-minsan nga, Tito Boy, tinatanong ko rin 'yung sarili ko kasi hindi ko ramdam na sikat ako e. Hindi ko ramdam talaga. Maraming nagsasabi sa 'kin na sikat ako, pero 'yung puso't isip ko, parang nandito lang palagi, walang pagbabago, ganu'n pa rin. Wala akong masabi na sikat ako,” sabi ni Elias.
Ngunit kasabay ng kasikatan ay iba't ibang pagsubok at kontrobersiya ng kailangan niyang harapin. Alamin kung papaano ito ginagawa ni Elias sa gallery na ito:









