Elijah Alejo, na-holdup habang papasok ng eskwelahan

Malaking pasasalamat ni Elijah Alejo na siya'y ligtas matapos ang nakakatakot niyang karanasan. Na-holdup ang batang aktres habang papasok ito sa kanyang pipapasukang paaralan isang madaling araw.
Kuwento ng Sparkle star sa kanyang TikTok video, papunta siya noon sa eskwelahan upang dumalo sa kanilang tree planting activity. Dahil maaga ang kanilang call time, bumiyahe na agad si Elijah ng madaling araw papunta sa kanilang campus.
"Na-holdup ako kaninang madaling araw, 5:30 a.m. ang call time namin sa campus since may tree planting kami ngayon. Late ako nagising tapos masama pa ang pakiramdam ni mommy so nag-motor taxi ako. So supposedly, pagkarating namin doon sa campus doon ako magpapababa sa loob. Pero nagpapadagdag si kuya rider (ng bayad) kaya hindi na ako pumayag."
Bumaba na lang ang Kapuso actress sa sidewalk malapit sa kanyang paaralan. Habang siya'y naglalakad mag-isa, biglang may tumutok ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran.
"So doon niya ako pinababa sa side walk, hindi siya sa tapat ng gate ng campus namin nor sa gate ng hospital namin. Syempre nagbayad ako. Then kababayad ko, umalis kaagad na siya ako naglakad na ako papunta sa gate. Pero biglang may tumutok sa tagiliran ko and it's something matulis. Sinabihan ako ibigay ko 'yung wallet ko," pahayag niya.
Sa sobrang gulat at takot daw ni Elijah, nablanko ang kanyang isip. Hindi niya rin maalala ang mga natutunan niyang self-defense sa oras na iyon.
"Binigay ko na lang 'yung wallet ko. Thank, God, I'm safe. Ang problem lang is walang CCTV sa area," dagdag pa niya.
Sa huli ng kanyang video, pinahalanan ni Elijah ang netizens na mag-ingat sa tuwing bumibiyahe o naglalakad sa mga publikong lugar. Aniya, "Kaya everyone na naglalakad or kaya nagko-commute, stay safe everyone."
@elijahalejo04 Stay safe, everyone! TW: Holdap #storytime #elijahalejo #fyp #fypage ♬ original sound - elijahalejo
Ang TikTok video ni Elijah ay umabot ng mahigit 400,000 views sa platform. Marami rin online netizens ang nagpakita ng pag-aalala at suporta para sa Sparkle star. May ilan ding fans ang nagpasalamat sa paalala ni Elijah tungkol sa panganib ng pagko-commute. Kasama sa mga nagbigay ng kanilang mensahe sa comment section ang celebrities na sina Althea Ablan, Lottie B, at Roce Ordoñez.
Na-touch ang Sparkle star sa kanilang heartwarming comments kaya naman nag-reply rin siya sa mga ilan niyang nakita.
Samantala, ganito rin ang sentimyento ng ilang celebrities na nakaranas din pagnanakaw sa kanila mismong tahanan o ang ilan, sa kanilang kotse. Alamin kung ano ang nangyari sa mga stars na ito para malaman kung papaano maiiwasan na mabiktima ng mga ganitong insidente.

















































