Eliza Borromeo at Sofia Pablo, mga panibagong housemates na lumabas sa Bahay ni Kuya

Muli nanamang nalagasan ang celebrity housemates sa sixth eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado, January 31.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, lumabas na ang pinakabagong evictees mula sa Bahay ni Kuya; ang Sparkle star na si Sofia Pablo at ang Star Magic artist na si Eliza Borromeo.
Ipagpapatuloy naman nina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Joaquin Arce, at Carmelle Collado ang kani-kanilang mga laban sa loob ng PBB house.
Matatandaan na noong nakaraang Linggo, January 25 nang manalo sa Ligtask challenge ang team Striving Feathers nina Ashley Sarmiento, Marco Masa, Princess Aliyah, Lella Ford, Krystal Mejes, at Miguel Vergara.
Dahil dito, awtomatikong nominated ang grupong Striving Six na kinabibilangan nina Joaquin Arce, Sofia Pablo, Eliza Borromeo, Caprice Cayetano, Carmelle Collado, at Heath Jornales.
Abangan ang susunod na twists at mga sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 nang live sa GMA tuwing weekdays, 9:40 p.m.; Sabado, 6:15 p.m.; at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na ito: https://www.gmanetwork.com/pbblivestream
Abangan ang susunod na twists at mga sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, sa puntong ito ay mayroon na lamang apat na linggo bago makilala ang Big Winners ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
RELATED CONTENT: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'



















