Apoy Sa Dugo
Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Ashley Ortega bring the fire and glam to 'Apoy sa Dugo' mediacon

Damang-dama ang init na hatid nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega sa media conference ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo, na mapapanood simula March 2.
Dumalo rin sa mediacon sina Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, Larkin Castor, Cai Cortez, at ang content creators na sina Fonzi at Toniyuh. Nagpakita rin ng suporta ang direktor ng serye na si Direk Ralfh Manuel Malabunga.
Nabalot ng puti at pula ang engrandeng mediacon, na sumisimbolo sa mga kaabang-abang na eksena sa serye at sa sizzling sibling rivalry na hatid nito sa tanghali.
Silipin ang ilang naging kaganapan sa media conference ng Apoy sa Dugo sa gallery na ito.












