Ellen Adarna, sinagot ang netizen kung bakit wala si Derek Ramsay sa birthday ni Liana

May naging pahayag ang former actress na si Ellen Adarna sa mga naghahanap sa kaniyang mister na si Derek Ramsay sa birthday ng kanilang baby girl na si Liana.
Nag-post si Mommy Ellen ng ilang kuha mula sa first birthday ng kaniyang unica hija at dito nagpasalamat siya sa lahat ng dumalo.
Sabi ni Ellen sa caption niya sa Instagram, “Lili Bear turned 1! ❤️
“Huge thank you to everyone who came, flew in, and made her birthday so special. We felt the love!”
Makikita sa comment section na nagtanong kung bakit 'absent' si Derek, “@ramsayderek07 absent ang amahan”
Tugon naman agad ni Ellen, “gisendan man cyag invite dai. Ambut nanu wa cya mu tunga.” (He was sent an invitation, I don't know why he didn't come.)
Nitong Linggo, pinagusapan nang husto nang alisin ni Ellen sa kaniyang Instagram page ang apelyido na 'Ramsay.' Noong Setyembre lamang, nilinaw ni Derek Ramsay ang mga spekulasyon at tsismis na hiwalay na sila ni Ellen na pinakasalan niya noong 2021 sa Bagac, Bataan.
Pahayag ni Derek, “There's this issue with Mr. Xian Gaza. I'll just keep it very simple. There's no truth to anything that was said. That's it."
Silipin ang first birthday ni Liana Adarna-Ramsay sa gallery below:





