Elvis Gutierrez's wife Alexa Gutierrez passed away at 38

GMA Logo Alexa Gutierrez's photos

Photo Inside Page


Photos

Alexa Gutierrez's photos



Marami ang nalungkot at nagulat sa balita ng pagpanaw ng asawa ni Elvis Gutierrez na si Alexandra Joelle "Alexa" Uichico Gutierrez noong Linggo, July 28.

Ayon sa pamilya ni Alexa, pumanaw siya noong Sabado, July 27, dahil sa sakit na leukemia. Kinumpirma rin ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang pagkawala n kaniyang sister-in-law sa isang hiwalay na post. Dito, ibinuhos ng aktres ang kaniyang mga emosyon at kung gaano siya ka-heartbroken sa pagpanaw ni Alexa.

Nagpahayag din ng pagluluksa ang nakakabatang kapatid ni Ruffa na si Raymond at mga iba pang kaibigan nila sa showbiz , katulad nina Maxene Magalona at Anthony Pangilinan.

Nag-post din si Elvis ng photo nila ng kanyang yumaong asawa na si Alexa, na may white heart emoji sa caption.

Opisyal na naging parte ng Gutierrez family si Alexa noong ikinasal sila ni Elvis noong 2015. Naging ina rin siya ng dalawang magagandang anak na sina Aria at Ezra.

Parte si Alexa ng Uichico clan sa Iloilo at nag-focus sa pagiging business woman ng iba't ibang brand at kompanya.

Tingnan ang mga larawan ni Alexa Gutierrez sa gallery na ito:


Alexa Gutierrez
Elvis Gutierrez
Mother
Travel
Entreprenneur
Leukemia
Annabelle Rama
Ruffa Gutierrez
Passing
Mourn

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays