advertisement
TV

Eman Bacosa Pacquiao, kamusta ang relasyon sa amang si Manny Pacquiao, mga kapatid?

1 of 10

Relationship

Maganda umano ang relasyon ni Eman sa kaniyang ama na si Manny, at sa kaniyang mga kapatid.

2 of 10

Supportive

Sa katunayan, napaka-supportive umano ni Manny kay Eman lalo na pagdating sa boxing at acting career nito. Madalas din siyang paalalahanan nito na magdasal at manatiling humble.

3 of 10

Kwentuhan

Ani Eman, paminsan-minsan ay tumatawag siya sa ama, lalo na kapag may nalalapit siyang laban, para humingi ng payo o kaya naman ay makipagkwentuhan.

advertisement
4 of 10

Techniques

Pagbabahagi ni Eman, ilan sa mga technique ng kaniyang ama na gusto rin niya makuha ay ang diskarte nito sa ring, at ang maliksi nitong footwork.

5 of 10

Siblings

Malapit din si Eman sa kaniyang mga kapatid kay Manny. Sa katunayan, supportive din ang mga ito sa karerang pinili niya.

6 of 10

Close

Pagbabahagi pa ni Eman, malapit siya sa lahat ng kaniyang mga kapatid, kabilang na ang kapwa boksingero na si Jimuel.

advertisement
7 of 10

Moments

Supportive din si Eman sa kaniyang kapatid, lalo na sa karera nito. Ngunit pag-amin ng boxer-turned-actor, madalang silang mag-usap dahil abala si Jimuel sa Amerika.

8 of 10

Pacquiao VS Pacquiao

Nang tanungin ni Boy kung tatanggapin ba ni Eman ang offer na magtapat sila sa ring ng kapatid na si Jimuel, sinabi niyang hindi ito tatanggapin.

9 of 10

Hindi masaya

Sabi ni Eman, "Kasi kapatid ko po siya at saka wala naman pong kasiyahan na mangyayari du'n kung matalo man o manalo sa kapatid mo."

advertisement
10 of 10

Ayaw ni Manny

Alam din ni Eman na hindi magugustuhan ni Manny na magharap sila ni Jimuel sa ring at dahil ayaw niyang masaktan ang ama, mas pipiliin niyang hindi ito tanggapin.

Around GMA