Fast Talk with Boy Abunda
Eman Bacosa-Pacquiao, mabuti ang relasyon sa amang si Manny Pacquiao

Maganda umano ang relasyon ngayon ni Eman Bacosa-Pacquiao sa kaniyang amang si Manny Pacquiao. Sa katunayan, suportado siya nito sa kaniyang pangarap sa pagbo-boxing.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 18, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang lagay ni Eman ngayon.
Sagot ng batang boksingero, “Maayos naman po. Spiritually and mentally po.”
Sobrang saya din umano ngayon ni Eman dahil hindi niya inasashan ang blessings na natatanggap niya ngayon. Pag-amin pa ng batang boksingero, hindi niya naisip na ibibigay ng Panginoon lahat ng tinatamasa niya ngayon.
Alamin ang iba pang mga kuwento ng binatang boksingero sa gallery na ito:









