Fast Talk with Boy Abunda

Emil Sumangil, paano nga ba hinarap ang natanggap na death threats?

GMA Logo Emil Sumangil
Source: emil_sumangil (IG)

Photo Inside Page


Photos

Emil Sumangil



Isa sa mga pinakamainit na balitang bumulabog sa sambayanan ay ang pagkawala ng 34 sabungeros na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung saan matatagpuan. Bilang isa sa mga batikang broadcast journalist ngayon, iniimbestigahan ni 24 Oras anchor at Kapuso Action Man Emil Sumangil ang pangyayaring ito.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 22, ibinahagi ni Emil na nagsimula ang lahat sa simpleng utos mula sa newsroom.

“Ito'y nagsimula lamang sa isang payak na utos ng ating newsroom, 'I-follow up mo 'yung may nawawala raw na 34 na sabungero mula sa iba't ibang probinsya.' Ganu'n lang kasimple 'yung utos nu'n. Hanggang sa sinimulan natin,” saad ni Emil.

Pag-amin ng batikang broadcaster, hindi ito naging madali dahil marami sa taong involved, kabilang na ang pamilya at mga kaanak ng nawawalang mga sabungero, ay ayaw magsalita.

Dagdag pa niya, hindi rin naman magsasabi sa kaniya ang mga awtoridad ng schedule at update basta-basta. Sa halip, kinailangan niyang mag-imbestiga ng personal.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “How much death threats did you get because of that story?”

Alamin ang sagot ni Emil at kung paano nga ba niya hinarap ang mga death threats kung meron man, sa gallery na ito:


Almost everyday
Hindi makakakain
Gagamitin ang kaibigan
Pinakamalala
Merong takot
Hindi kampante
Kwentuhan gabi-gabi
Hindi titigil
Seguridad
Are you willing to die for a story?

Around GMA

Around GMA

Strait of Hormuz listed as 'high-risk area' for Filipino seafarers — DMW
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards