advertisement
Showbiz News

Empoy Marquez, ikinuwento ang buhay na galing sa broken family

1 of 10

My Ilonggo Girl

Masayang ibinahagi ni Empoy Marquez na magaan ang kanilang set sa My Ilonggo Girl at masaya raw itong makatrabaho si Jillian Ward.

2 of 10

Leading Ladies

Binalikan naman ni Empoy Marquez ang best memories nito kasama ang kanyang mga naging leading ladies na sina Cristine Reyes, Alessandra De Rossi, Susan Enriquez, Herlene Budol, at Kim Molina.

3 of 10

Tinolang tahong

Naging nostalgic naman ang pagbisita ni Empoy sa Lutong Bahay nang ipakita nito ang kanyang childhood favorite dish na tinolang tahong.

advertisement
4 of 10

Broken Family 

Nagkaroon ng pahapyaw si Empoy sa kanyang family life nang sabihin nito na galing daw siya sa isang broken family. Ayon sa komedyante ay naghiwalay ang mga magulang nito noong bata pa lamang siya.

5 of 10

Happy Family

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya ay okay na raw ngayon ang kanyang mga magulang. Bagamat hindi na nagsasama ay masaya raw si Empoy dahil nananatiling civil ang kanyang magulang sa isa't isa.

6 of 10

School

Ayon kay Empoy ay undergraduate daw siya ng kursong Mass Communication at Culinary ngunit hindi na niya nagawang ipagpatuloy ang mga ito dahil sa demands ng pagiging artista.

advertisement
7 of 10

Mr. Suave

Binalikan ni Empoy ang pinagmulan ng kaniyang nickname na Mr. Suave at sinabing nakuha niya raw ito nang sumali sa Mr. Suave contest sa Bulacan.

8 of 10

Herlene Budol at Salome Salvi

Nilinaw ni Empoy na hindi raw totoong nagkaroon sila ng tampuhan nina Herlene Budol at Salome Salvi, ngunit pinili nitong hindi na ipaliwanag pa ang kuwento sa likod ng nasabing isyu.

9 of 10

Attitude

Sa ilang taon niya sa showbiz, masayang sinabi ni Empoy na wala raw siyang nakitaan ng bad attitude o masamang ugali sa mga dati niyang nakatrabaho.

advertisement
10 of 10

Pangarap

Naghatid naman ng inspirational message si Empoy sa mga manonood ng Lutong Bahay, “Kung sakali mang mayroon kayong mga pangarap sa buhay, continue n'yo lang 'yan and be yourself. Lagi lang kayong magpakumbaba sa lahat ng panahon.”

Around GMA