'Encantadia Chronicles: Sang'gre' brings fantasy to life at grand media conference

GMA Logo 'Encantadia Chronicles Sang'gre grand mediacon
Photo by: Gerlyn Mae Mariano

Photo Inside Page


Photos

'Encantadia Chronicles Sang'gre grand mediacon



Ramdam na talaga ang sabik ng Enkantadik fans habang papalapit na ang official premiere ng GMA's most awaited superserye ngayong taon, Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Noong June 8, isang engrandeng pagtitipon ang isinagawa sa Sang'gre Grand Mediacon kung saan pormal na ipinakilala sa publiko ang mga bagong bayani at kontrabida sa mahiwagang mundo ng Encantadia.

Mula sa lupain ng mga tao hanggang sa bagong kaharian na tinatawag na Mine-a-ve, tila muling nabuhay ang mundo ng mga Sang'gre sa harap ng media at fans.

In-character ang mga dumalong cast habang nakasuot ng kani-kanilang detailed costumes--tila isang live portal papasok sa mundo ng serye.

Kauna-unahang beses ding nasilayan ng publiko ang matapang at malamig na presensya ni Rhian Ramos bilang Hara Mitena, isang bagong karakter na magdudulot ng kaguluhan sa bagong panahon ng Encantadia.

Muling ipinakilala ang apat na bagong tagapangalaga ng mga brilyante na sina Bianca Umali (Terra), Kelvin Miranda (Adamus), Faith Da Silva (Flamarra), at Angel Guardian (Deia).

Mas dumagdag pa ang excitement ng gabi nang unang beses ipalabas ang official full trailer ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Isa ring makapangyarihang harana ng bagong theme song ang inihatid ng walang iba kundi ang Asia's Limitless Star, Julie Anne San Jose.

Tingnan ang naganap na Sang'gre Grand Mediacon at mas kilalanin pa ang kanilang mga karakter sa gallery na ito:


Sang'gre Grand Mediacon
Officials
Executives
Anjo Pertierra
Manilyn Reynes
Boboy Garrovillo
Sherilyn Reyes-Tan
Vince Maristela
Mikee Quintos
Luis Hontiveros
Cheska Iñigo
Gueco twins
Imaw
Gabby Eigenmann
Jon Lucas
Glaiza De Castro
Sanya Lopez
Gabbi Garcia
Rhian Ramos
Julie Anne San Jose
Kelvin Miranda
Angel Guardian
Faith Da Silva
Bianca Umali
ArtisTambayan
Encantadia Chronicles: Sang'gre

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.