Mula simula hanggang sa finale noong Biyernes (May 8), mainit na sinuportahan at sinubaybayan ng Encantadiks ang superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Nagtapos nang malakas ang Sang'gre na nakapagtala ng 11.5 percent combined TV ratings base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines, na higit na mataas sa mga katapat nitong programa.
Balikan ang epic finale ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa gallery na ito:
Sa pagtatapos ng Sang'gre, kinoronahan bilang bagong Hara ng Hathoria si Sang'gre Flamarra (Faith Da Silva). Nabigyan din ng pagkakataon si Mira (Kate Valdez) na muling mabuhay.
Ipinarating ni Soldarius (Luis Hontiveros) kay Flamarra (Faith Da Silva) ang kagustuhan na makapaglingkod sa Hathoria, na pinahintulutan naman ng hara.
Sa pagtatapos ng kanilang misyon, nagpasya si Sang'gre Deia (Angel Guardian) na bumalik sa Mine-a-ve at pamunuan ito. Sinubukan din ni Deia na iwan sa pangangalaga ni Terra (Bianca Umali) ang Brilyante ng Hangin, ngunit ayaw ng brilyante na lumisan sa kanyang pangangalaga.
Hindi tinanggap ni Terra (Bianca Umali) ang korona ng Lireo at mas pinili nitong tulungan ang kapatid na si Gaiea (Cassy Lavarias) para maibalik ang buhay nito.
Sa tulong ni Bathalumang Cassiopea (Solenn Heussaff), napagkalooban ng bagong buhay si Gaiea (Cassy Lavarias).
Sa tulong ni Gargan (Tom Rodriguez) ay nakatakas si Aquil (Rocco Nacino) sa Devas. Ipinagkaloob na rin ni Aquil kay Gargan ang kanyang katapatan.
Tila hindi pa tapos ang laban at ramdam ito ng mga bagong Bathaluman na sina Pirena (Glaiza De Castro), Danaya (Sanya Lopez), Alena (Gabbi Garcia), at Amihan (Kylie Padilla).
Avisala Eshma! Avoya Dune Masne Encantadia. (Maraming salamat! Hanggang sa susunod na kabanata ng Encantadia.)