Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng cast at crew sa nalalapit na pagtatapos ng hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ngayong Huwebes, April 30, nagdaos ng media conference ang hit fantaserye para sa kanilang epic finale.
Dumalo rito ang new gen Sang'gres na sina Bianca Umali, Angel Guardian, at Kelvin Miranda kasama si Rhian Ramos.
Silipin ang mga nangyari sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa gallery na ito:
Dumating nang naka-Sang'gre costumes sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Angel Guardian, at Rhian Ramos sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa nalalapit na epic finale ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, masaya si Bianca Umali sa success ng hit fantserye, gayundin, pag-amin niya na mami-miss niya ang bonding kasama ang cast at ang kanyang karakter. Itinuturing din niyang blessing na naging bahagi siya ng mundo ng Encantadia.
"Maangas," iyan ang naging paglalarawan ni Kelvin Miranda sa isang karakter na aniya dapat abangan sa epic finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Natuwa at na-miss ni Angel Guardian na muling suotin ang kanyang Sang'gre costume bilang Deia. Excited na rin siya na makita ang epic finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Hindi man nakadalo sa event dahil sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagbigay ng mensahe si Faith Da Silva para sa Encantadiks. Ipinarating ni Faith ang taos-puso niyang pasasalamat sa suporta at pagmamahal na natanggap ng Encantadia Chronicles: Sang'gre. Inimbitahan din niya ang lahat na huwag palampasin ang epic finale ng hit fantaserye.
Kung bibigyan naman ni Rhian Ramos ng payo ang kanyang karakter na si Mitena habang hinaharap nito ang epic finale ng kanyang paglalakbay, ito ay ang "you can't let pain defined you."
Dumating din sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ang ilang GMA executives.
Ginanap ang finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Huwebes, April 30.
Nagkaroon ng pagkakataon sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Angel Guardian, at Rhian Ramos na mahawakan ang silver at gold play buttons ng Encantadia Chronicles: Sang'gre YouTube channel, na kasalukuyang mayroong 1.46 million subscribers.
Huwag palampasin ang pinakamalaki, pinakamasakit, at pinakasukdulang yugto ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre,' 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.