Enzo Almario, biktima rin umano ng pang-aabuso ng dating musical director

GMA Logo enzo almario
Photo by: Ogie Diaz YT

Photo Inside Page


Photos

enzo almario



Maraming nagulat sa rebelasyon ng dating teen singer na si Enzo Almario nang inamin niyang biktima rin siya umano ng pang-aabuso ng dating musical director na si Mr. Danny Tan.

Sa latest video ni Gerald Santos, makikita na kasama niya si Enzo, na ibinunyang ang sexual abuse na naranasan niya umano sa dating direktor.

"Nu'ng lumabas po ako, nagkaroon daw sa kanya ng sign si Lord ng green light na siya ang lumantad na rin,” pahayag ni Gerald. “Dahil hindi na rin po makayanan ng kanyang kunsensya na hayaan na lang ang mga nangyayaring ganito.”

Sa isang panayam naman ni Ogie Diaz, nagkaroon ng lakas na loob si Enzo para ikuwento nang mas detalyado ang kanyang naranasan noon.

Ayon sa kanya, nagsimula ang abuso noong siya'y nasa dating grupo na Sugarpop sa gulang na 12 pa lamang.

"The very first time that this happened dapat may kasama talaga po ako [sa sinehan]. So, bale tatlo po kami and sa last minute, hindi po nakarating 'yung dapat po na kasama namin na bata din. So ayun, siguro he saw that as an opportunity," kuwento ni Enzo.

Ibinunyag din ng singer na maraming beses na umano'y minolestya siya ng direktor at minsan sinasabay pa siya sa iba pang mga bata noon. Ang mga abuso ay tumigil noong na disband ang kanilang dating grupo at siya'y nasa 13 gulang na.

Simula noong siya'y inabuso, mas pinili ni Enzo na isikreto na lamang ito sa iba. Pati ang kanyang mga magulang ay hindi alam tungkol dito dahil takot raw kasi ang singer na makita ang sila, lalo na ang kanyang ama, na panay sisihin ang kanilang mga sarili kung bakit naranasan niya ito.

Gayunman, sabi ni Enzo, naibahagi niya ito sa mga malalapit niyang kaibigan at sa kanyang kasintahan. Ngunit hindi gaano kadetalyado ang ibinabahagi niya sa kanila.

"Sa super close friends ko, nasasabi ko siya but not in detail. Sabi ko lang na na-rape ako noong 12 years old ako pero that was it," sabi niya.

Ayon pa sa singer, hindi niya noon mailabas ang kanyang emosyon tungkol sa insidenteng iyon. Ngunit kamakailan, nang isulat niya ang detalyado niyang karanasan, bumuhos ang kanyang mga luha at nagkaroon siya ng mahahalagang reyalisasyon.

"Parang recently kasi I had to cry it, my whole experience, in detail kasi details are so important sa ano po 'di ba? Doon ko lang na-feel na habang sinusulat ko siya tumitigil ako and naiiyak talaga ako kasi I felt like sobrang early pala nu'ng nangyari sa akin na I never thought of before," ani ni Enzo.

Laking pasasalamat niya sa kanyang kasintahan ngayon sa emotional support na madalas ibinibigay nito sa kanya sa tuwing humaharap siya sa kanyang trauma o triggers. Nagpasalamat din ang singer kay Gerald sa pasensya at pagbigay ng lakas ng loob para ilahad ang kanyang traumatic experience.

Ani Enzo, " I felt empowered na finally kasi hindi ko ma-imagine na one day I will talk about this. Kumbaga, parang may hinukay ako sa kaloob-looban ko na I never knew na may effect sa akin na may triggers pala ako, may mga trauma pala ako na nand'yan lang."

Sa ngayon, hinihikayat din ni Enzo ang mga iba pang biktima ng direktor na magsalita tungkol sa kanilang abuso. Matyaga niya rin hinihintay sila na pumayag sumama sa kanilang panig ni Gerald dahil alam niya kung gaano kabigat ito sa kanilang emosyon at kalusugan.

Samantala, balikan kilalanin pa si Enzo sa gallery na ito:


Popstar Kids
Reunion
Studies
Love
Father's Day
Car
Contest
Singing
ML
Hair color
LGBTQ

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'