advertisement
TV

Eric Fructuoso, lumaki ang katawan dahil sa stress eating

1 of 10

Gaining weight

Ayon ni Eric Fructuoso, ang pinakamabigat na weight niya ay 220 pounds noong 2025. Lumaki raw siya nang ganoon dahil masarap kumain at wala siyang ehersisyo.

2 of 10

Stress eating

Itinuturo rin ni Eric bilang dahilan ng kaniyang paglaki ang pag-stress eating. Pag-amin ng aktor, "I didn't believe in that before, e, pero napansin ko. Kasi if I knew that, baka naiwasan ko rin."

3 of 10

Realization

Dumating daw ang realization kay Eric na kailangan na niyang magpapayat nang minsang lumabas sila ng kaniyang partner para mamili ng damit at wala na umanong magkasya sa kaniya.

advertisement
4 of 10

Naiiyak

Pagbabahagi ni Eric, "Minsan naiiyak na ako sa fitting room. Kasi, sinasama ko palagi si misis, sabi ko, 'Beh, samahan mo 'ko, tingnan mo kung ano'ng itsura 'pag sinuot ko.' Lahat ng sinusukat ko, hindi na kasya."

5 of 10

Depression

Inamin pa ni Eric, "Hindi ako naniniwala sa depression, sorry ha, pero that was the time na naramdaman ko, 'Ito na nga ata 'yung depression.' Hindi na masaya."

6 of 10

Maintaining

Pag-amin ni Eric, ngayon na nakapagbawas siya ng timbang hanggang 154 pounds, ang bagong challenge sa kanya ay ang pag-maintain nito. Sa kasalukuyan, nag-gain na raw kaagad siya ng additional na 16 pounds dahil sa kanin.

advertisement
7 of 10

Fuel

Paliwanag ni Eric, kinailangan niyang bumalik sa pagkain ng kanin para magkaroon ng fuel o energy sa workout.

8 of 10

Work-out

Nakakakain na raw ngayon si Eric ng kahit anong gusto niya basta in moderation. Kailangan pa rin niyang mag-workout para ma-burn ang lahat ng calories na kinain niya. Kabilang sa mga workout na ginagawa niya ay pagtakbo, paglalaro ng pickleball, at pagha-hyrox.

9 of 10

Health concerns

Dahil sa pagiging overweight, naapektuhan din ang overall health ni Eric gaya ng pagtaas ng iba't ibang vital signs niya.

advertisement
10 of 10

Taking care of yourself

Sa huli, ibinahagi ni Eric ang kanyang realization sa kanyang weight loss journey: "Ugali natin yung, 'Kung oras ko, oras ko.' May ganu'n tayong factor. Pero, paano kung hindi mo pa oras 'tapos tinamaan ka? So, magsa-suffer ka pala in between while waiting for your time. Dun ko na naisip na hindi, dapat pala alagaan natin ang sarili natin."

Around GMA