Esnyr, kinagigiliwan sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Hanggang sa loob ng Bahay ni Kuya, baon pa rin ng TikTok content creator na si Esnyr ang kaniyang non-stop na kakulitan.
Bukod sa pagiging vlogger, napanood na rin si Esnyr sa iba't ibang palabas sa telebisyon at sa mga pelikula, tulad na lamang ng Balota.
Sa kasalukuyan, siya ay mayroon nang mahigit 9 million followers sa TikTok at 4.1 million followers naman sa Facebook.
Sa pilot episode pa lang ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kinagiliwan ng viewers at pati na rin ng housemates ang kaniyang kwela moments.
Ilang netizens naman ang nagsabi na kayang-kaya ni Esnyr na mag-portray ng iba't ibang katauhan bilang maraming housemates. Hindi na ito bago para sa kanya dahil ginagawa na niya ito mga content sa social media at sariling mga palabas.
Samantala, silipin sa gallery na ito ang ilang nakaaaliw na eksena ni Esnyr sa Pinoy Big Brother house.








