Eugene Domingo, nagbigay ng relationship advice kay Pokwang

Aminado ang comediennes at bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) film na Becky and Badette na sina Pokwang at Eugene Domingo na kahit in real life ay malapit na magkaibigan silang dalawa. Kaya naman, hindi takot magbigay ng advice si Eugene sa kaniyang kaibigan, lalo na tungkol sa relationship at love.
Sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 29, ibinahagi ni Pokwang na madalas siyang makarinig ng “sermon” mula kay Eugene.
“In fairness naman dito kay Pokwang, nakikinig naman siya. Kaya lang minsan, hindi ko na mapulis kasi biglaan ko na lang nakikita galit na galit na naman siya sa post niya, may kaaway na naman,” pagbabahagi ni Eugene.
Nang tanungin naman si Pokwang kung naniniwala pa siya sa pag-ibig, ang sagot ng actress, “Oo, lalo na at nandiyaan pa rin ang mga anak ko. Pag-ibig sa mga anak.”
Ngunit nang tanungin siya kung paano para sa lalaki, sinabi niyang “Wala muna, wala muna.”
Tingan sa gallery na ito kung papaano binigyan ni Eugene ng relationship advice ang kaibigang si Pokwang:









