Euleen Castro, nagsalita tungkol sa kontrobersiyal na food review

GMA Logo Pambansang Yobab
Source: euleenc (IG)

Photo Inside Page


Photos

Pambansang Yobab



Nagsalita na ang content creator na si Euleen Castro tungkol sa kontrobersiyal niyang food review sa isang cafe sa Iloilo.

Matatandaang nakatanggap siya ng pambabatikos matapos mag-viral ang TikTok video niya, kung saan nagkomento siya tungkol sa mga pagkain at inumin ng nasabing cafe.

"Walang masarap, even the drinks, even the lasagna. Lahat, tab-ang," sabi ni Euleen sa video.

Patuloy pa niya, "Ang dami niyo diyan, walang masarap sa inyo, ni isa, p*t*."

Binasag ni Euleen ang kanyang katahimikan tungkol sa issue sa pamamagitan ng isang vlog.

Isa sa mga una niyang ipinaliwanag ay ang pagmumura niya sa video.

"Main issue niyo is nagmura ako doon sa pagkain. Hindi ko po mimura 'yung pagkain, 'yung staff, 'yung cafe. Wala akong minura. Expression ko lang po talaga 'yun. Well, gets ko po sa mga hindi nakaka gets ng humor ko.

"Naintindihan ko po 'yung frustration na naramdaman niyo kasi hindi niyo po pala gets 'yung humor ko. Akala ko po kasi lahat nage-gets na 'yung humor ko, lahat ng followers ko. Doon ako medyo nag-lean sa gets naman ako ng supporters ko, eh," lahad niya.

Gayunpaman, aminado din siyang may mga pagkakamali siya.

"May mga pagkukulang naman talaga kasi, first, hindi tayo nag-disclaimer. Hindi ako nag-disclaimer. 'Tapos, hindi ko talaga in-explain kung ano 'yung [kulang]. Hindi ako naging consturctive doon sa feeling kong kulang sa panlasa ko. 'Yun 'yung pagkukulang ko doon and 'yun ang ihihingi ko po ng pansensiya," ani Euleen.

Humingi din siya ng paumanhin sa mga taong nasa likod ng cafe.

"Sa mga taong nasaktan ko, especially sa mga chef, sa mga barista, sa mga servers, and sa owner na rin po noong cafe na 'yun, pasensiya na po kayo kung 'yun po 'yung naramdaman niyo na ipinahatid noong video ko.

"Hindi po talaga 'yun, hindi po 'yun 'yung mini-mean ko. Ang gusto ko lang po is ibigay lang 'yung feedback ko na hindi po ako nasarapan doon sa food, sa mga natikman ko, pero hindi po para pasamain.

"Hindi ko po hiniling ever na may magsarang restaurant just because of my feedback. Hindi ko ever hiniling na may mawalan ng trabaho dahil lang sa hindi ako nasarapan [sa pagkain]," pagpapatuloy niya.

Kinikilala din daw ni Euleen ang effort ng mga taong nagtatrabaho sa kitchen.

"Nasa industrya din po ako ng food kasi nga po nag-culinary ako. Alamo ko din po kahit paano 'yung hirap niyo diyan, kung paano ginagawa. 'Yung hirap sa kitchen alam ko rin naman po 'yun. 'Yun po ang ihihingi ko ng pasensiya sa inyo na nagkulang ako ng kung pano ko dineliver din, kung panoo ko siya sinabi. Siguro doon po na parang pakiramam niyo po na nabastos kayo. Hindi ko po mini-mean na bastusin kayo. 'Yun lang po," paliwanag ni Euleen.

Sa kabilang banda, inamin ni Euleen na nasaktan din siya sa negative comments na nakuha niya kaugnay ng isyung ito.

Aniya, "Honestly, doon sa body shaming, hindi ako nasaktan. Walang kumurot sa akin kasi, guys, nalagpasan ko na 'to. Buong buhay ko, binu-bully ako, body shaming, tinatawag ako ng names, kung anu-ano. Hindi ako nasaktan doon.

"Nasaktan ako sa sunud-sunod na hate kasi ngayon ko lang 'to naranasan. Sobrang new sa akin, so parang ako, nakita ko yung sunud-sunod na hate, ang nasa isip ko talaga, 'Ano 'to? Bakit ganito? Anong nangyayari?"

Dagdag pa niya, "Mas nasaktan ako para sa mga kapwa ko plus size kasi, di ba, nire-represent ko ang plus size community. Kasi, di ba, feeling ko hindi naman lahat kayang i-accept yun. Hindi naman lahat ready doon. Paano na lang kung iba ang binash n'yo?"

Panoorin ang kabuuan ng pahayag ni Euleen sa kanyang YouTube vlog.

Samantala, balikan dito ang ilang mga eksena sa Magpakailanman kung saan na-feature ang buhay ni Euleen:


Euleen Castro
Shamaine Buencamino
Gil Cuerva
Angela Alarcon and Pepita Curtis
Self-esteem
Confidence
Pambansang Yobab

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories