Ex-lovers, joint custody sa alagang aso sa 'Regal Studio Presents: Furr-ever Yours'

Makaka-relate ang maraming fur parents sa brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Furr-ever Yours," kuwento ito ng ex-lovers na konektado pa rin sa isa't isa dahil sa kanilang alagang aso.
Matapos mag-break nina Mia at Josh, hindi nila mapaghatian ang fur baby nilang si Ogie.
Magkakasundo silang magkaroon ng joint custody sa aso. Bukod dito, magkatuwang pa rin sila sa pag-aalaga dito.
Tila desidido rin si Ogie na muling paglapitin sina Mia at Josh.
Hanggang kailan nila kakakayanin ang ganitong arrangement? Makaka-move on pa ba sina Mia at Josh?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Furr-ever Yours," October 12, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






