Ex-'PBB' housemates, nagsama-sama muli sa 'It's Showtime'

Isang engrandeng opening performance ang inihandog ng fun noontime program na It's Showtime ngayong Lunes, April 28.
Star-studded ang stage nang kumasa ang ilang celebrities sa viral dance challenge ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Mula sa P-pop groups hanggang sa dating contestants ng programa, game na game ang lahat na sumayaw kasama ang It's Showtime hosts.
Isa rin sa mga pinag-usapan ang nakatutuwang pagkikitang muli ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars.
Present on stage ang dating Kapuso at Kapamilya housemates na sina AC Bonifacio, Ashley Ortega, Charlie Fleming, Kira Balinger, Michael Sager, at Emilio Daez!
"Maraming salamat po, Meme Vice, for having us here on Showtime. It's my first time and it's truly an honor," sabi ni Emilio.
Dagdag ni Michael, "Super saya to be part of this dance craze. Team MiLi is here and masaya po kami. Thank you so much."
Marami ang natuwa sa mini reunion ng tatlong PBB duos, na agad nag-trending at pinag-usapan sa social media platforms.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Silipin ang reunion ng PBB housemates sa It's Showtime dito:





