Expat at TNT, tila itinadhana sa 'Magpakailanman'

Isang kuwento ng tadhana ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Ang Babae sa Larawan," kuwento ito nina Jhing at Archie na magkakakilala sa Italy.
Nag-migrate rito ang pamilya ni Archie noong bata pa siya. Ilegal naman nagtatrabaho roon si Jhing bilang breadwinner ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
Magkakakilala ang dalawa nang pagtakpan ni Archie si Jhing sa pulis na naghahanap ng work permit nito.
Paano kung malaman nilang matagal na pala silang itinadhana?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Babae sa Larawan," April 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






