EXpecially for You: Volleyball heartthrob Dylan Yturralde, may inamin live on TV

May pasabog na pag-amin ang isang 'EXpecially For You' contestant na si Dylan Yturralde sa It's Showtime ngayong Martes ng tanghali, May 14.
Ang volleyball heartthrob ay tubong Pampanga at naglalaro bilang setter ng University of East.
RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES
Marami ang nagulat sa naging sagot ni Dylan sa tanong ng searcher na si Gia na: “Ano ang pinakamatinding secret na tinago mo sa parents mo?”
Tugon ni Dylan, “Siguro po nung senior high, nagta-transfer po kasi ako ng school noon and hindi ko po sinabi sa magulang ko na wala talaga tinitirahan sa Maynila, kasi sa Pampanga kami.
“Tapos ang ginagawa kong diskarte noon, nakikitira ako sa mga kaibigan ko. 'Tapos every other day lumilipat ako, kasi, nagti-training ako sa ibang school. Tapos, umabot ako sa point na wala ako matirahan kasi nahihiya na ako sa mga kaibigan ko nun. Natutulog ako sa computer shop.”
Sumunod na tanong ni Anne Curtis: “Paano eventually nalaman ng parents mo?”
Pag-amin ng 21-year-old, “Ayun po ang naisip ko pinakamalupit na sikreto kasi hindi pa po nila alam [hanggang ngayon].”
Dito na kinuha ni Dylan ang pagkakataon na magpasalamat din sa kaniyang mga magulang.
Aniya, “Maraming salamat lang sa paniniwala sa akin na kaya kong diskartehan 'yung buhay ko and sa support. Maraming salamat.”
IN PHOTO: Swoon-worthy guys who turn heads in the local volleyball scene





















