Facts about 'Love. Die. Repeat.'

Matapos ang mahigit dalawang buwan, nakatakda nang magtapos ang suspense drama series na 'Love. Die. Repeat.'
Pinagbibidahan ito nina Jennylyn Mercado at Xian Lim na unang beses nagtambal sa telebisyon.
Ito dapat ang unang serye ni Xian sa GMA pero dahil sa mga pangyayaring hindi kontrolado, umabot ng anim na taon bago ito naipalabas sa primetime simula nang nabuo ang konsepto nito noong 2018.
Kabilang na riyan ang pandemya na isang malaking challenge sa cast and crew ng 'Love. Die. Repeat.' Kinailangan nilang mag-shoot sa loob ng isang taping bubble para sa kalusugan ng lahat.
May mga personal ding pinagdaanan ang ilang cast members nito kaya naurong ang produksyon nito gaya ng pagbubuntis ni Jennylyn.
Sa kabila nito, matagumpay na naisara ang 'Love. Die. Repeat.' na pinag-uusapang serye dahil sa kakaibang konsepto nito na inspired sa time loop kung saan nauulit ang isang pangyayari.
Sa nalalapit na pagtatapos ng 'Love. Die. Repeat.,' narito ang ilang trivia tungkol sa GMA Prime series.







