Faith Da Silva, nais muling makita ang amang si Dennis Da Silva: ' I love him, I love him a lot'

December noong 2023 nang makita na sa wakas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Faith da Silva ang kaniyang ama,ang dating aktor na si Dennis Da Silva, nang bisitahin niya ito sa Muntinlupa City Jail.
Sa Instagram ay pinost ni Faith ang picture nila ng kaniyang ama kasama ang kapatid na si Silas na may caption, “Thank you God for this heart-warming gift this Christmas.”
Sa pag-guest ni Faith sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, January 29, binalikan niya ang naging tagpo nilang mag-ama at kung papaano niya nakita ulit ito.
Tingnan sa gallery na ito kung ano ang mga nangyari par magkitang muli sina Faith at Dennis:









