FAMAS, nag-sorry sa maling impormasyon tungkol kay Rosa Rosal

Humingi ng paumanhin ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) dahil sa maling impormasyon na inilabas nila tungkol sa beteranang aktres na si Rosa Rosal, na ngayon ay burado na sa kanilang social media pages.
“We sincerely apologize for an earlier post regarding the passing of Ms. Rosa Rosal. It has come to our attention that the information was false,” panimula ng FAMAS sa kanilang statement.
Nilinaw ng FAMAS na buhay pa ang aktres, taliwas sa nauna nilang anunsyo.
"Ms. Rosal remains with us, and we deeply regret any confusion or distress this may have caused her family, friends, and admirers."
Nangako naman ang organisasyon na magiging mas mapagmatyag sila bago maglabas ng ano mang pahayag.
“FAMAS values truth and integrity, and we will continue to be more vigilant in verifying information before releasing any public statement.
"We extend our heartfelt apologies to Ms. Rosal, her loved ones, and the public."
Samantala, kinumpirma ng apo ni Rosal na si PTV news anchor William Thio na maayos ang kondisyon ng kanyang lola na magdiriwang ng kanyang ika-97 kaarawan sa October 16, 2025.
Sa isang maikling video, bumati pa ang legendary actress ng "Maligayang Pasko."





