Family Feud

Family Feud Guess More Win More Promo, magbibigay ng papremyo mula hapon hanggang gabi simula March 2!

GMA Logo Guess More Win More promo Family Feud

Photo Inside Page


Photos

Guess More Win More promo Family Feud



Ngayong March 2, magsisimula na ang selebrasyon para sa 4th anniversary ng Family Feud.

Bilang pasasalamat sa loyal viewers, may bigating anniversary treat ang pinakamasayang family game show sa buong mundo.

Simula March 2, bibigyan ng pagkakataon ng "Guess More, Win More" Promo na manalo ang lahat ng viewers sa iba't ibang Kapuso shows. Mula sa dating 5:40 PM timeslot, magiging network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs.

Sa main show na Family Feud, maghahain ang host na si Dingdong Dantes ng tatlong promo questions Lunes hanggang Biyernes. Sa "Guess More, Win More" promo expansion, makikita rin ang unique promo questions sa commercial breaks ng ilan sa pinakapinapanood na shows ng GMA.

Sa "Guess More, Win More" promo, 8 lucky viewers ang makakapag-uwi ng ₱10,000 araw-araw at isang weekly winner ang maaaring manalo ng ₱100,000!

Para sumali, manood ng mga programa sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime Lunes hanggang Biyernes. Sagutin ang mga ipakikitang tanong sa screen at bisitahin ang promo website na www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessMoreWinMore. Para mag-submit ng entries, ilagay ang full name, complete address, birthday, email address, at mobile number. Maaari lamang mag-submit ng entries Lunes hanggang Biyernes hanggang 10:00 p.m. Ang entries na ipinadala lamang sa promo website ang may pagkakataong manalo sa "Guess More, Win More" promo.

Para sa kabuuang detalye, bisitahin ang promo website na www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessMoreWinMore.

Narito ang iba pang mga programa kung saan ipalalabas ang mga tanong para sa "Guess More, Win More" promo ng 'Family Feud:'


Hating Kapatid
House of Lies
Apoy sa Dugo
Fast Talk with Boy Abunda
The Sweetest Taboo
Encantadia Chronicles: Sang'gre
Never Say Die

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US Democrats will try, and try again, to rein in Trump's Iran war powers
Novena begins for Manaoag centennial coronation