Fangirl, aalagaan ang idol na nabulag sa 'Regal Studio Presents: See You Tomorrow'

Pangarap ng bawat fan ng personal na makilala ang kanilang idolo.
Pero paano kung makilala mo ang lead singer ng paborito mong banda pero ibang-iba siya sa minahal mong stage persona?
'Yan ang kuwentong dapat abangan sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Sa "See You Tomorrow," magkakaroon ng pagkakataon si Kaya na magtrabaho para kay Emman, ang vocalist ng paborito niyang banda na The Undergrads.
Pero hindi tungkol sa musika o concerts ang magiging trabaho ni Kaya. Maaatasan kasi siyang maging all-around assistant ni Emman matapos nitong mabulag sa isang aksidente.
Naging loner at bitter si Emman dahil naging kondisyon nito.
May magagawa pa ba si Kaya para kay Emman?
Abangan ang brand new episode na "See You Tomorrow," July 9, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






