Fast Talk with Boy Abunda: Buboy Villar, itinangging sinaktan ang ex-partner na si Angillyn Gorens

GMA Logo Buboy Villar and Angillyn Gorens
Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda, angillyn_gorens (IG)

Photo Inside Page


Photos

Buboy Villar and Angillyn Gorens



Seryosong nagbigay ng pahayag si Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda sa kontrobersiyang kinakaharap niya ngayon sa kaniyang personal na buhay.

Isa-isang sinagot ni Buboy ang mga tanong tungkol sa mga akusasyon ng kaniyang American ex-partner na si Angillyn Gorens.

Related gallery: Buboy Villar's adorable daddy moments with kids Vlanz and George

Kabilang sa mga nilinaw ni Buboy ay ang paratang na sinaktan umano niya si Angillyn noong sila ay magkarelasyon pa at nung nagdadalang-tao ang huli.

Buong loob na itinanggi ng Sparkle actor ang akusasyon at sinabing hindi niya pinagbuhatan ng kamay ang kaniyang ex-partner.

Pahayag niya, “Tito Boy, pananakal, panununtok, hindi ko kayang gawin 'yan. Hindi ko po magagawa sa kaniya 'yan.”

Kasunod nito, nilinaw pa ni Buboy na hindi galing sa kaniya ang mga natamong pasa noon ni Angillyn.

“Nagpapa-dede siya ng anak namin, nakikita ko 'yun, sasakalin ko po, or mayroon pa po akong nabasa na tinutukan ko po siya ng kutsilyo. Sa pagtutok ng kutsilyo, pananakit, nakita ko 'yung mga pasa sa screenshot. Ang hirap nito Tito Boy na parang sabihin in public sa problema, kasi hindi po talaga galing sa akin 'yun,” sabi niya.

Paliwanag ng aktor, “Hindi ko masabi ito in public alang-alang sa mga anak ko which is alam ko na alam din ni Angillyn kung ano 'yung pinagdadaanan niya. Alam niya kung saan galing 'yung pasa na 'yun at hindi po galing sa akin 'yun.”

Ayon pa kay Buboy ay may respeto at minahal niya si Angillyn kaya't naninindigan siyang hindi niya sinaktan ang ito.

Paglalahad niya, “Kahit kailan, hindi pumasok sa isipan ko po na ilagay ang aking mga kamay sa kaniya o saktan siya. Hindi ko po gagawin 'yun, napakalabo, mahal na mahal ko po 'yung mga anak ko. May respeto po ako sa kaniya, minahal ko po siya, hindi ko po gagawin sa kaniya 'yun.”

“Hindi ko po siya pinagbuhatan ng kamay, hindi totoo na [sinakal ko siya habang nagpapa-dede]. Wala po akong kinalaman,” pahabol pa ni Buboy.

Kasunod nito, aminado siyang masama ang kaniyang loob ngayon dahil sa mga nangyayari.

Reaksyon at hiling niya, “To be honest, ayoko maging hipokrito. Galit po ako, naiinis. Lagi po ako nagpe-pray Tito Boy… sana mag-heal siya para sa dalawa naming anak.”

Si Buboy ay may dalawang anak sa kaniyang dating partner na si Angillyn--sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Ang kaniyang bunso naman na si Kyrie ay anak niya sa kaniyang partner ngayon na si Isay Sampiano.

SAMANTALA, ALAMIN A RELATIONSHIP TIMELINE NINA BUBOY AT ANGILLYN SA IBABA


2011
November 2016
Courtship
April 2016
June 2016
Proposal
June 2017
September 2017
August 2019
Long distance relationship
Breakup
Confirmation

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust