Gabbi Garcia at Mikee Quintos, may sweet message sa isa't isa

Sabay na bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang Kapuso actresses at SLAY stars na sina Gabbi Garcia at Mikee Quintos.
Sa pakikipagkuwentuhan nila sa King of Talk na si Tito Boy Abunda, kapansin-pansin ang kanilang closeness sa isa't isa at ang kanilang growing friendship.
Bago ang pagsasama bilang co-stars sa bagong serye, matatandaang nagkatrabaho na rin noon sina Gabbi at Mikee sa fantasy series na Encantadia.
Silipin ang highlights sa guesting ng dalawang Sparkle stars sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.







