Fast Talk with Boy Abunda
'Fast Talk with Boy Abunda,' may listahan din ng best dressed actresses sa GMA Gala 2025

Sari-sari at naggagandahan ang mga kasuotan ng Kapuso stars sa nagdaang GMA Gala 2025 na ginananap sa Marriott Hotel sa Pasay nitong Sabado, August 2.
Kaya naman, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 5, naglatag si King of Talk Boy Abunda ng mga aktres na para sa kanila ay best dressed sa naganap na pagdiriwang. Ngunit paglilinaw ng batikang host, in no particular order ang kanilang listahan.
Tingnan kung sino-sino ang kinilala ng Fast Talk with Boy Abunda bilang mga best dressed actresses sa GMA Gala 2025 sa gallery na ito:









