advertisement
TV

Transman na si Jesi Corcuera, bakit nga ba piniling magbuntis?

1 of 11

Jesi Corcuera

Matatandaang taong 2006 nang makilala at mapanood si Jesi Corcuera sa GMA reality-based artista search na 'StarStruck.'

2 of 11

Batchmates

Ka-batch ni Jesi Corcuera noon sa 'StarStruck' ang mga aktor na sina Paulo Avelino, Kris Bernal, at marami pang iba.

3 of 11

Transman

Proud member ng LGBTQIA+ si Jesi Corcuera bilang isang transman.

advertisement
4 of 11

Pregnancy

Inanunsyo ni Jesi Corcuera sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang pagbubuntis nito lamang October 5, 2024.

5 of 11

Plan

Binanggit ni Jesi Corcuera kay Tito Boy Abunda na bago pa sila magkabalikan ng kanyang partner na si Camille ay plano niya na talagang magka-baby.

Sabi niya, “Bago kami mag-together again, nauna na yung plano ko na magka-baby na… nagpupunta na ako sa hospital.”

6 of 11

Decision making

“In the making talaga nito ni baby halos 3 years, 'yun pa lang sa decision making sobrang hirap na po.”

advertisement
7 of 11

Artificial insemination

Ayon kay Jesi Corcuera, nabuntis siya via artificial insemination.

Pahayag niya, “Hindi ko kayang gawin natural way. So, artificial insemination.”

8 of 11

Reason

Sa naging panayam, seryosong sinagot ni Jesi Corcuera kung bakit pinili niyang magbuntis.

Sabi niya, “Kasi pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Camille ang daming realization Tito Boy, Bago mabuo ang isang bata mayroong mama at papa… Hindi nagma-mattter kung ano ang kasarian mo para maging isang magulang.”

9 of 11

Emotional

Emosyonal na inilahad ni Jesi Corcuera ang isa pang rason kung bakit gusto niyang magkaroon ng anak.

“May mga pagkakataon po kasi na di ko naiintindihan si Camille as a parent, may times nagseselos ako, isa 'yun sa reason and 'pag tumatanda ka na natatakot ka maging mag-isa.”

advertisement
10 of 11

Baby Girl

Ayon kay Jesi Corcuera, baby girl ang kanyang magiging anak.

11 of 11

Proud Transdad

Mabilis na sinagot ni Jesi Corcuera ang tanong ni Tito Boy Abunda kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa kanyang anak kapag nasa tamang edad na siya.

Pahayag ni Jesi, “Simple lang po siguro, maiintindihan niya na hindi man pareho ng iba na may mama at papa at least ako kaya ko na siya. Hindi ko kailangan mag-transform ng dalawang tao para mahalin siya.”

Around GMA