Father-daughter moments nina Richard Yap at Ashley Sandrine

Pumasok na rin sa mundo ng show business ang lovely daughter ng Kapuso actor na si Richard Yap na si Ashley Sandrine Yap.
Nagsimula si Ashley bilang isang beauty at lifestyle vlogger. Sa ilang vlogs ng dalaga, kapansin-pansin ang closeness nila ng kanyang amang si Richard, na kasalukuyang napapanood sa hit GMA medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap' at sa katatapos na drama series na 'Unbreak My Heart.'
Si Ashley Sandrine naman ang isa sa pinakabagong Sparkle artists na dapat subaybayan ng mga manonood.
Silipin ang ilan sa kanilang sweet father-daughter moments sa gallery na ito.












