Fiestacular finale ng 'Escort Mo, Show Mo' at 'Breaking Muse'

Isang malakasang piyestapatan sa pagitan ng anim na mga barangay ang naganap sa fun noontime program na It's Showtime!
Noong Sabado (August 16), game na game rumampa ang tig tatatlong finalists ng "Escort Mo, Show Mo" at "Breaking Muse" na sina: Mark Colante (Brgy. San Juan, Cainta, Rizal), Daniel Butas (Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias Cavite), Kramim Beraquit (Brgy. Don Bosco, Parañaque City), Joyang Glorioso (Barangay Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon), Verna Tuliao (Barangay BF International Village, Las Piñas City), at Chuchay Lagria (Barangay San Isidro, Montalban Rizal).
Engrande ang mga pasabog ng lahat sa talent portion na puno ng talento, katatawanan, at emosyon.
Bigatin din ang naging board members ng grand finals na nagbigay ng kilig, visuals, at energy sa madlang people.
Balikan ang naging grand paliga ng "Escort Mo, Show Mo" at "Breaking Muse" sa gallery na ito:











