First look at Dennis Trillo and Bea Alonzo's characters in 'Love Before Sunrise'

Nagsimula na ang taping ng upcoming romance drama series na 'Love Before Sunrise.'
Ang serye ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.
Gaganap sila rito bilang soulmates na hindi mapagsama ng pagkakataon.
"Right love at the wrong time--ganoon talaga. Minsan mayroon tayong mga TOTGA (the one that got away) so makaka-relate ang maraming tao sa istorya namin. It's about taking a leap for the one that you love," paliwanag ni Bea tungkol sa kuwento ng serye.
Masaya naman si Dennis na mabigyan ng isang karakter na iba sa mga ginampanan niya sa ilang huling teleserye niya.
"Ayon, medyo nangangapa pa. Ngayon hinahanap ko pa rin 'yung character. Unti-unti, nadi-discover ko siya habang ginagawa namin paisa-isa 'yung mga eksena," paliwanag niya.
Silipin ang first taping day ng 'Love Before Sunrise' sa exclusive gallery na ito.






