Iya Villania and Drew Arellano's 'tiny' dream house

Inanunsyo ni Iya Villania sa isang Instagram video kamakailan na malapit nang matapos ang kanilang ipinapagawang bahay.
Dito ay ipinasilip niya ang kanilang bagong family house kung saan matatanaw ang Laguna Lake at Metro Manila skyline. Kaunting detalye at gamit na lang ay maaari na itong tirhan.
Mayroon itong playground para sa kanilang maliliit na anak ni Drew Arellano na sina Antonio Primo, Alonzo Leon, Alana Lauren, at Astro Phoenix. Meron din itong trampoline, outdoor toilet, outdoor kitchen, at hangout area.
Narito ang pasilip sa kanilang ipinapatayong bahay:













