For better, worse, in fitness and in health, solid ang relasyon ng celebrity couples na ito.
Nagde-date pa lamang sina Aubrey Miles at Troy Montero ay na-establish na nila ang kanilang bonding time sa pag-e-exercise. Hanggang sa kanilang married life, game na game pa rin ang couple na sumabak sa iba't ibang klaseng sports at pagdyi-gym.
Ipinakita nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na bukod sa pagiging Kapuso Primetime King and Queen ay puwede rin silang maging King and Queen of fitness. Nagsilbing inspirasyon din sila sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto, na magkaroon ng interes sa pagsali sa sports.
Sina Drew Arellano at Iya Villania ay isa sa mga pinakakilalang fit celebrity couples. Sila ay sumasali sa triathlons at ilang fitness activities kasama ang kanilang mga kaibigan. Araw-araw, sinisigurado rin nina Drew at Iya na panatilihin ang kanilang fit lifestyle.
Hindi lang sa pranks magaling sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, sila rin ay isa sa mga tinitingalang celebrity couples dahil sa kanilang commitment sa healthy lifestyle.
Tulad nina Solenn at Nico, committed rin sa healthy eating habits at fitness routines ang mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis.
Pinuri ng netizens sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang fitness regimen. Isa sa sikretong pampa-sexy ng mag-asawa ay ang pagsunod sa mga home video workout. Ang kanilang hilig sa pag-e-exercise ay napasa rin sa kanilang mga anak. Noong 2023, sumali sina Judy Ann at Ryan sa isang marathon kasama ang kanilang anak na si Luna.
Tinawag ng netizens na #couplegoals sina Carlo Gonzalez at Luane Dy dahil sa kanilang sexy photos sa beach. Ito ay resulta ng kanilang disiplina sa pagwo-workout.
Kilala rin ang celebrity couple na sina Rhian Ramos at Sam Verzosa bilang fit couple dahil sa kanilang hilig sa pag-e-exercise. Kamakailan lang, sumali ang dalawa sa New York City Marathon, kung saan nakumpleto nila ang 42-km race. Maliban dito, patuloy rin na nagwo-work out ang dalawa para panatilihin ang kanilang healthy fit lifestyle.
Sagot nina Camille Prats at VJ Yambao ang iba't ibang exercise na pwede gawin ng couples na gustong maging fit katulad nila. Sa kanilang social media, ibinahagi ng dalawa ang kanilang exercise regimen na may kasamang weights, burpee box jumps, at 200-meter run.
Isa sa mga naging inspiring couples ng netizens ay sina Andi Eigenmann at ang kanyang fiance na si Philmar Alipayo. Bago sila nagkaroon ng sariling pamilya, naging bonding activities na nila ang pag-e-exercise, swimming, at surfing. Ayon kay Andi, si Philmar ang kanyang naging inspirasyon para pahalagahan ang kanyang katawan.