'Five Breakups and a Romance Live Experience,' dinumog ng fans

Jam-packed ang kauna-unahang 'Five Breakups and a Romance Live Experience' sa Ayala Malls Market Market sa Bonifacio Global City sa Taguig kahapon, September 16.
Bukod sa pagpapakita ng kanilang mga talento, ipinalabas na rin ang unang teaser ng pelikulang pinagbibidahan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Julia Montes.
Sa live na panayam ni Aubrey Carampel kina Alden at Julia para sa '24 Oras,' hindi nila maitago ang kanilang saya na mapapanood na ng mga tao ang teaser ng pelikulang pinaghirapan nila.
Ani Alden, "Excited kami ni Juls ngayon dahil ngayon nga, mapapanood na ng karamihan ang aming pinaka-pinaghirapan, binuhos namin sa aming teaser launch, poster launch, at ang aming playdate."
Dagdag ni Julia, "Sana, kung gaano kami ka-excited, ganun din ka-excited 'yung mga tao dito na makakapanood ngayon."
Balikan kung anong nangyari sa kauna-unahang 'Five Breakups and a Romance Live Experience' sa Ayala Malls Market Market sa mga larawang ito:

















