Folk singer Coritha, bedridden matapos ma-stroke

Hindi mapigilan ang kalungkutan ng netizens matapos malaman ang kalagayan ngayon ng dating folk singer na si Socorro Avelino, o mas kilala bilang si Coritha.
Sa isang video ng content creator na si Julius Babao, binisita niya ang former singer sa bahay ng partner nito na si Chito Santos.
Doon nakita si Coritha na naka-bedridden na lamang at hindi makapagsalita o makagalaw ng maayos.
"Ayos naman siya kaya lang hindi siya makapagsalita. Pero 'yung pakiramdam niya matalas," pahayag ni Chito.
Kuwento ng partner, inalok niya noon tumira si Coritha sa kaniyang bahay matapos masunugan ito noong 2018. Sa una, okay lang si Coritha at nakakalakad pa ng masigla sa kanilang tahanan. Ngunit tuluyang humina ang kaniyang katawan matapos mapatid at ma-stroke.
Kuwento ni Chito, "Diabetic kasi siya. 'Tapos, isang beses, naiwan ko 'yung guyabano diyan sa lamesa. Kinain niya 'yung dalawang malaki. Madaling araw 'yun nga [sabi niya], 'Tong [nickname ni Chito] naiihi ako.' Pagkaraan nu'n parang ano na lang siya lanta."
Akala nila noon ay diabetic attack ang nangyari sa former artist. Pero nalaman nila na inatake na pala ito ng stroke ng ilang beses.
"Ginawa ko dinala ko siya sa ospital. Nu'ng nakita 'yung CT scan, marami na raw siyang atake na hindi napapansin," sabi ni Chito.
Noong naging normal na ang kalagayan ni Coritha, nagpasya si Chito na iuwi na lang ang kaniyang partner sa bahay. Sa umpisa nakakausap pa niya ang dating singer kahit walang oxygen na nakakabit. Ngunit habang tumatagal, nahirapan na ito galawin ang kaniyang katawan, bibig at naging bedridden na lamang.
Bilang pangtulong, nag-abot si Julius ng PhP50,000 cash at hinikayat ang kaniyang viewers na tumulong din kay Coritha.
Marami rin netizens ang nagbigay ng heartfelt messages at dasal para sa dating folk singer sa comment section.
Samantala, narito ang ilang celebrities na nakaranas din ng stroke:












