'Forever Young' pilot episode, panalo sa ratings; umani ng papuri mula sa netizens

Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young, na pinagbibidahan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell.
Nakakuha ang pilot episode nito ng ratings na 7.1 percent base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod dito, umani rin ng iba't ibang magagandang papuri mula sa netizens ang unang episode ng Forever Young na umere noong Lunes, October 21.
Basahin ang ilang papuring natanggap ng Forever Young sa pilot episode nito rito.









