Frankie Pangilinan shares what she learned about love from parents

Hindi maitatangging nasa edad na ngayon si Frankie Pangilinan, ang anak nina Mega Star Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan, para umibig at magkaroon ng love life. Buti na lang ay mayroon siyang inspirasyon mula sa kaniyang mga magulang tungkol sa pagkakaroon ng romantic relationships.
Sa pagbisita ni Frankie sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 1, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang buhay pag-ibig ng dalaga. At nang tanungin kung may boyfriend na ba ito, sagot ni Frankie, “Not at present po, not at present.”
“It's also more to do with for five, six years, there was a COVID, I was in and out, and I think parang not only would it be impractical, it would also seem sort of like 'Wow, gusto ko lang masaktan' kung magkaroon po ako ng jowa either in the US or here,” sabi ni Frankie.
Pagpapatuloy pa niya, “If I dated someone here, then I would have to keep leaving them, and then if I dated someone in New York also, I would eventually have to move back home and then I felt like it was just a lot.”
Paglilinaw naman ni Frankie ay nakipag-date naman siya, pero para umano sa kaniya, hindi praktikal na magkaroon siya ng comitted relationship noon.
Dahil napag-uusapan na rin naman ang pag-ibig, tanong ni Boy kay Frankie, “Pag pinag-uusapan ang love, ano ang natutunan mo sa mga parents mo?”
Alamin ang sagot ni Frankie sa gallery na ito:









